"THE SELF-EMPLOYED PSYCHOANALYST SPEAKS..."









BLOGSPOT [rockerwinista]
LIVEJOURNAL [georj]
TABULAS [winkerwinker]
MULTIPLY [dimagiba87silong]



AleN · AngelA · ApriL · ArtS · BillY · BulitaS · CaesaR · Carlo C. · Cardo F. · CeS · CharlZ · ChonG · ChriS · CK · DalL · DenisE · EarL · Ella G. · Ella L. · FatimA · GabbeH · GeM · GemmO · GerrY · IlsA · JanellE · JD · JL · JV · JefF · JeriC · KeziaH · KirK · KimberlY · LorrainE · LouiE · LouisE · MariaN · MichaeL · MikeY · MirA · NinA · PetrA · PreciousA · RyaN · RaymonD · RheA · RobiN · RusseL · RutheE · SaaB · SabrinA · SayC · ShoolI · TristaN · TopE · VincE


   







[my government to-do's] [counting and 2 years] [when Genesis Toledo = Carlo Sayco] [my blogging legacy] [i thought i was gonna die... again] [unlimited sarcasm] [think still] [best of 2006] [wishes the wishes] [the notion to seduce] [nineteen and younger please] [agh, love] [mixed feelings] [someone wants me dead] [frustrated career [part three]] [10 simple pleasures] [ikaw ang nasa isip ko] [muling pagbangon ni _kErwin_] [Da Vinci's bigger picture] [counterphobia] [frustrated career [part two]] [frustrated career [part one]] [sine silip ko lang] [Abes getaway - complete saga] [i'm only pulling myself] [TM - Torpeng Martir] [how kErwin is weird?] [flicks of weeks] [strictly formal on love] [minding everything] [redefined and hunted down] [rise of the rockstar] [life: busy, social, lively] [c'mon and dare talk] [the code to nowhere] [somebody save me] [the commuter's pride] [dancing in the afternoon] [legal announcement] [where do i go from here?] [Abeas the beast] [consequences of hardwork] [too early to say goodbye] [it's MAI botdey!!] [superhero bonanza] ["geek geek geek," ang sabi ng geek] [kids, fun, learning and memories] [i stayed, frustrated] [the devil within] [meant to be...] [they saw the changes] [suffering from the unseen] [busy and dead] [the child at heart] [one lovely Rose] [delayed] [don't get me wrong, ma'am] [for deary dear] [the tongue - cute] [sleepless over and over] [kErwin is satanic!?] [Carlo interviewed] [the challenge: not extra, not less] [another door... and so it opens] [not enough: F4, joyridE, 700 and frustrations] [tea, popcorn and pizza blues] [leave it behind] [love story: despite the odds] [Carrie and the bone marrow] [as i have seen: the JC-NEB 2k5 Family] [silent hill: ang kuta sa Tandang Sora, QC] [in search for Paciano] [my present lies... my future puzzled] [lucky day... for real!!!] [everybody hurts - R.E.M.] ["...it's about time!"]

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Friday, April 21, 2006
TM - tOrpEng mArtir

unang pagkikita. isang pagtitipon ng mga mag-aaral na naghahangad maging bahagi ng aming krusada para sa kabataang Pilipino ang aming isinagawa. kami ang nagsusuri at kinikilala ang mga aplikante. dumating siya (at dalawa pa niyang kasama) hindi bilang isa ring nangangarap o isang kasamahan namin sa organisasyon, kundi isang bisita dahil dati na siyang may alam tungkol dito. kumbaga, isang alumnus.

nakangiti lang siya. madalang magsalita, aakalain mo'y napakarelihiyoso at kalmado lang. pero hindi naman kami nagkapansinan hindi katulad ng mga kasama ko. mas kilala niya sila, ganun kasimple. magkakilala lang kami sa pangalan, hanggang dun lang... wala na, ayun lang.

unang pag-uusap... o unang pagtetext. isa na namang malawakang pagtitipon ang inorganisa namin, isang linggong punung-puno ng kompetisyon. sa isang hindi magandang pagkakataon, nalaman namin na ako lang mag-isa ang pwedeng maging tagapangasiwa sa ikatlong araw ng kompetisyon, ang mga kasama ko'y hindi pinayagan sa araw na iyon dahil sa mga pagsusulit at pampaaralang aktibidades. mag-isa kong aayusin ang araw na iyon. mag-isa kong haharapin ang mga patutsada't reklamo ng ilang mga guro. wala akong magawa, itinakda na.

nung gabing bago mismo ang araw na iyon, nagtext siya bigla. sinabihan siya ng isa kong kasamahan kung ano ang mangyayari sa'kin kinabukasan at ibinigay sa kanya ang numero ko. at ayun, nalaman ko lang sa kanya na walang siyang klase sa umaga at kung okey lang ba sa akin na sumama siya. ako, na wala ng maisip ng ibang paraan at mahanapan ng tulong, ay pumayag rin ako. kahit papano'y may kasama na'ko kahit sa umaga lang.

ikalawang pagkikita't pag-uusap. umagang-umaga nahuli ako ng ilang minuto. nagkita kami sa isang kainan at dumiretso na sa lugar na inilaan para sa mga kompetisyon sa araw na iyon. himala't may dalawa pa akong kasamahan dumating, pero umaga lang din sila pwede... so tatlo na silang sasamahan ako sa umagang iyon. simula ng umagang iyon ay nagkagulo na. mabuti na lang at nasanay na'ko sa mga paninindak ng ibang tao at para akong isang manyikang nakatitig lang sa kanila at sinasabing, "opo, sige po. salamat po!" hindi biro ang propesyon sa "customer service," nakakalamat ng puso.

syempre, kailangan kausapin ang bagong kasama. alanganin namang dedmahan lang kami. siya na nga ang tumutulong, iisnabin ko pa. ayun, bonding at tuksuhan, yun lang naman ang pinagkaabalahan namin maliban dun sa responsibilidad namin. kahit papano talagang nagkakilala nga kami.

sa pagitan ng araw at ngayon. maraming usapan sa lahat ng klaseng telepono, nakikigamit ng sa iba. nagpaparinigan sa mga blogs (katakatakang hindi sa e-mail). hiritan at tawanan sa mga pagkikita. kantahan at tugtugan sa gitara. walang katapusang paulit-ulit sa mga makabagdamdaming awitin. ang Love Moves in Mysterious Ways, The Day You Said Goodnight, at I Love You Goodbye. awayan sa text, at sa text lamang. ang madramang Exodus, katorpehan at pagpapakatanga, ang kampihan, ang pagpapakamartir dahil sa isa, ang isyu kuno, at ilan pang hindi na naisipang ilagay pa dito. tumatanda na ang tao.

ngayon at sa mga oras na lumipas. sa maikling panahon na aming pinagsamahan, siguro masasabi kong marami na ang natahak na daan. samahan talaga ang matatawag mo dun dahil ganun kaliteral lang naman ang ginagawa namin. samahan sa sandaling lakaran, at ang SM na nagsisilbing tanglaw sa mga naiinitan sa araw.

dahil siguro naging lubus-lubos noon, madalang na ngayon. parehong indibidwal ay abala sa sariling buhay. pero kapag buhay na ng iba ang pag-uusapan, partikular na ang buhay ng isang espesyal na tao, laging may panahon para pagdamayan.

hindi na rin pwedeng takasan ang itinakdang paglisan sa mga panahon ng bata at binata. matanda na at wala nang dapat ipagkaila doon. dapat ay alam na ang mga landas na dapat iwasan, mga taong kailangan pang kilalanin pa lalo, mga kaibigang matutunang pagkatiwalan at mahalin. kahit sabihing marami na ang natutunan at naranasan, hindi pa sapat iyon.

ngayon ay hindi pa tapos. sa bukas na masisilayan laging may luma at bago. matanda ka na. at wala na sigurong saysay ang iba pa.


LIVEJOURNAL:
Behind GEORJ
BLOGSPOT: Mahal Kita Nila

TABULAS: Mga Ikaw


Posted at 02:24 pm by Kerwin George Dimagiba Fortes

mai ganda
April 22, 2006   05:52 AM PDT
 
awwww.. bakit ako walang special entry? tas siya meron.. pero sige, I understand.:p wait, birthday entry ba 'to?

OMG! Love Moves in Mysterious Ways! memorize ko pa yun! yes!:))
_kErwin_ to mai
April 22, 2006   08:06 PM PDT
 
anukaba, dear?! nakailang special entry ka na ba sa'kin?! ikaw nga, 'di mo pa ako ginagawan eh!

hwaha...

miss you nah!
 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry