watched Mission: Impossible 3. still present are the autoself-destructive informant and the unforgettable harness stunt. two particular things one good audience couldn't miss. at kung napanood mo ang tatlong MI's, alam mo na hindi nawawala ang dalawang bagay na iyon. basta yun na iyon...
at andun rin ang Tom Cruise signature, ang kanyang hindi matatawarang pagtakbo. lahat yata ng mga pelikulang kasama siya eh kailangan may running scene. eksakto ang lahat, ang naiiba lang eh ang locale at costume. galing noh? that's what is really good about him. even at age, he still stays fit and healthy. galing talaga. idol.
pero... kailan ba siya mamamatay sa isang sine, hah?! nakakontrata ba sa kanyang manager na sa lahat ng mga gagampanan niya ay hanggang near-death experience lang ang pwede niyang maranasan?! wala lang.
nga pala, for MI3, walang dull moment! yun ang mga eksaktong salita na makakapaglarawan sa pelikulang iyon. kakatapos lang ng isang heart-pounding na eksena, biglang may adrenalin rush ka na naman kasi merong bagong worth-shrieking scene agad. walang pahinga! it'll truly take your breath away, shet.
anyway... may kwento ako. dati pa 'to. nanood kami ni Charlz one time ng Ice Age 2 sa Gateway, at saktong pumasok kami sa moviehouse patapos na ang credits. lumabas ulit si Charlz para bumili ng meryenda. eh di okay lang, hintay ng konti. tutal, trailers din ang habol ko...
biglang humudyat na tutugtugin ang Lupang Hinirang. hapon pa naman iyon, ang alam ko tuwing first at last full shows lang ganun. iba siguro ang pamamaraan sa Gateway. kaya ayun, tumayo ako at hinintay matapos ang awit para makaupo na. yes, trailers na!
ilang sandali pa'y may voice over, "itaas ang kanang kamay ayon sa tamang panunumpa sa watawat ng Pilipinas..." putek! ano itoh?! kakaupo ko lang tapos patatayuin na naman ako?! at hindi lang iyon, unang beses ko pa lang makasaksi ng panunumpa sa isang sinehan. PERS TAYM itoh!
pero sa inis ko (at pride siguro) hindi na'ko tumayo ulit. ni hindi ko nga tinaas ang kamay ko para manumpa, eh. what's worse, sa harapan malapit ako nakapwesto kaya hindi ko magawang tignan ang mga taong nakabalandra sa likod kung ano naman ang ginawa nila. haha, syempre, marunong naman din ako mahiya! kitang-kita ng madla kung sino ang hindi marunong sumunod sa alituntunin na itinuro sa mga paaralan! argh!
pero may gusto lang akong linawin. acceptable na siguro ang hindi ko panunumpa dahil in the first place, wala namang Philippine flag doon para sumpaan. hello, kaya ka nga manunumpa sa watawat kasi may watawat eh! ni ang big screen, walang naiproduce na flag, so what's the use?! susumpa-sumpa ka, walang ka namang susumpaan. walang lang! hehe, may point naman ang palusot ko ah!
ngayong Mayo, ang daming magagandang movie that are set to be release. can't wait to watch all what interests me... marami nga lang sila. kailangang maipagkasya ang lahat sa schedule at budget!!
haay, nakakatamad na kasi sa bahay. kakasawa na rin ang videoke kung yun na lang lagi ang mga kinakanta mo (kahit sumubok ng mga bago, babalik at babalik din sa mga nakasanayan na). tapos, syet, ang taba ko na. haay (ulit)... gaya nga ng sinasabi ko sa mga kaibigan ko, ang mga magagandang bagay may kapalit! kung matalino ka, posibleng sobrang low EQ ka naman. kung maganda ang itsura't pangangatawan mo, posibleng yun lang ang asset mo't utak mo'y mapurol!
tama ba ako?! sobra! at marami akong kilala na ganyan ang tinadhana! kaya nga walang taong perpekto. laging may kapansanan kang dadalhin mo habambuhay kung wala kang gagawin tungkol dun. haay, life never is fair talaga.
LIVEJOURNAL: Ang Bato at ang Plastik
TABULAS: Mga Ikaw (finally completed...)
"An idealist is one who, on noticing that a rose smells better than a cabbage, concludes that is is also more nourishing." - H.L. Mencken