|
Thursday, May 11, 2006
frUstrAtEd cArEEr [PART ONE]
marami akong frustrations sa buhay. sa mga laruan, sa gamit, at pati na rin sa propesyon... pero itong tatlo tumatatak sa noo ko ng madiin. pag nabasa mo 'to, "si Kerwin nga!"
frustrated singer. way back in the elementary years, ako ang ipinanlalaban sa intersection singing contests ng school [sa'min, academic excellence na rin iyon...]. syempre, forever ba naman kaming mastuck sa cream class at kakaunti lang talaga sa'ming mauutak ang marunong kumanta. umaarangkada lang ang klase namen pag class contest, unbeatable kami dun.
anyway, nakakahiya ang unang sali ko. naisabak agad ako at kulang sa oras para magpraktis. mabuti na lang nang dumating ang araw ng kumpetisyon ay sa library kami naghatawan. mabuti na 'yon, kasi ang andun lang: mga kalaban, tatlong judges at dalawang librarian; locked out kaya walang epal, maliban na lang kung may makikinig sa labas.
kamusta naman yun? ume-echo ang boses namin, nakakahiya talaga! pero okay lang, preliminaries pa lang naman eh... mirakulo't naabot ko ang first place! at alam ninyo ba ang nagpanalo sa'kin? "As Long As You Love Me" ng Backstreet Boys.
[singing] yeah eh eh!
ayun! pero nung final round nag-third na lang ako... sadly, ang mga matitinding kalaban ay nagmula sa second round. grr... ang daya naman nila! nyaha, simula noon hindi na ulit talaga ako nakasali sa mga pesteng singing contest na yan sa school. sa'min, big deal yun! sisikat ka hindi lamang sa kakantahin mo, kundi sa kung paano ka bumirit... nagmumukha na bang unggoy o akala mo anghel na ayaw tanggaping muli sa langit?
ngayon, certified videoke king! tanungin mo pa ang mga orgmates & blockmates ko sa Ateneo...! lahat ng pwedeng kantahin, aawitin. mapabirit man, mapatili sa taas, enjoy pa rin! kaya nga lang hindi ko pa rin malaman ang vocal range ko. dumedepende rin sa kanta, minsan kaya ko ng sobrang taas/baba pero maya-maya hindi nah! abnormal, parang de-battery!
frustrated debater. sadly nung high school, sa third year tinuturo ang art of debating. ang special training din nun ay sinisimulan sa summer. eh di syempre, endorsed na'ko at willing naman [kahit wala talaga akong ideya kung paano magdebate, kaya nga magte-training eh!] kahit papano. pero yung teacher/trainor ay nagresign bago pa man magsummer! shet talaga, at walang naihanap na kapalit sa kanya.
kaya tignan ninyo tuloy, walang sumasalang Notre sa mga debate tourney. kay Aaron De Leon ang pinakahuling matinong debate training, at hindi na naipasa kailanman.
pero kahit wala yun, natutunan ko rin in the process. thanks to CMLI!
frustrated actor. the calling of acting started in my first year high school. production siya ng mga outside people, kaya mga teachers at studyante ang naging parte doon. CMLIers: ako, Rhona, Julius (sa practice lang!), at si Ma'am Grace! umabot ang mga magagaling naming audience mula pa sa Baguio! nakasama pala namin sa Zed Carreon [kung hindi ninyo kilala, nachichismis siya ngayon...]
musical siya, kaya umariba na naman ang pagkanta ko. mabuti't pinanganak ako to perform onstage... wala lang, sinabi at nafeel ko lang. yun ang mga instant yaman moments namin...
pero after nun, hindi na'ko umarte, maarte na lang! palagi akong nilalagay sa production at directing at syempre sa mga class contests laging panalo [maliban sa isang Chamber Theatre at Puppet Play contest]...
bawat isa sa'min ay napakahalaga. naging big deal ang mga papel naming lahat, lalo na sa broadway presentation namin, "Chicago." may mga away, backstabban, abonohan, pagsisinungaling, alliance, libel... pero sa huli, nagtulungan ang lahat at hinakot ang lahat ng awards! record holder talaga...! [St. Eugene 05 the beri best!]
hanggang ngayon, gusto ko pa ring umarte. the stage is calling me again. lalo na sa tuwing nanood ako ng mga plays [esp. ZsaZsa Zaturnnah ze Muzikal], hindi ko talagang mapigilang mangarap muli... hay...
ang sarap kasi maging sikat. ganun kasimple. ah, ewan!
LIVEJOURNAL: Oh, News Ko!BLOGSPOT: One-Way Pag-ibig
|
|