frustrated architect. elementary pa lang ako, sinasabihan na ako nga mga magulang ko na architecture ang kunin kong course pagdating ko sa college. nung mga panahong yun kasi nakahiligan ko na talaga ang magdrowing ng kung anu-ano. kaya nga lang wala akong talento sa freehand drawing, eksperto ako kumopya ng ibang drawing at aakalain mong photocopy.
syempre, kasama na rin ang ruler at 'di matawarang pencil. noon pa lang ay OC na'ko sa pagguhit. kahit pagdating nang drafting sa high school lahat ng klaseng ruler at haba meron ako, just to suit my need. pati letterings kinareer ko. feel ko kasi sa architecture, may pagka-maorganize ang attitude ng mga tao doon. eh ganun pa naman ako, galit sa dumi.
ayun, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit hindi yun ang inapplyan ko. pero natatandaan ko ayaw ng dad ko sa course na yun, "walang patutunguhan." kaya siya pumili ng mga kukunin kong courses...
frustrated engineer. eto ang pumalit sa pangarap kong maging architect. since hindi naman pala pwede, ito na lang ang hinangad ko. ang babaw nga dati ng dahilan ko kasi gusto ko talagang ipaayos at ipagawa ang bahay namin. yung tipong ma-accommodate ang napakalaki naming pamilya na araw-araw namimiyesta.
kasi pag architect, drawing lang. eh gusto ko may "hands-on," at syempre dapat ultimate ang pagkahigh-tech ng bahay. para alam ko kung paano patatakbuhin ang bahay... in other words, robot na ang bahay! underground garage, swimming pool, renovated library, enggrandeng dining room, higanteng refrigerator, more chandeliers, additional bedrooms and bathrooms. hay...
amp, sobra sa antique na kasi ang bahay, kaya ang disenyo ng bintana at mga floor tiles ay hindi na napoprovide ng mga manufacturers ngayon. wala lang, para kami ang yaman-yamanan sa kalye namin.
frustrated teacher. pramis, ang sarap ng feeling ng nagtuturo ka ng mga bata tapos alam mong appreciated ang lahat ng efforts mo. enjoy sila sa mga alituntunin at himala na kung magbigay sila ng mumunting regalo. ganun talaga pag Teachers' Celebration sa Notre. it's a privilege for elementary senior students ng cream class ng magturo sa grade school. ang nangyari, nakuha kong magturo ng English; hindi ko lang ineexpect na yung mga kabatchmates kong hetero-sectioned [uhm, basta opposite the cream]. hargh, gera na itoh! mga tarantado talaga sila: batuhan ng chalk, sigawan, barahan at harap-harapang suntukan.
syempre, grade6 pa lang kami... mga bata pa kami lahat. yung ilan sa mga kaklase ko eh nakapagturo sa mga kindergarten at grades one/two at syempre, mga paslit, nabigyan sila ng mga chocolates. grr, nakihingi lang ako!
sa high school naman, ang teacher ang pipili sa'yo, kahit saang section ka man manggaling... nung first year ako, pinili akong magturo ng English sa second year! siya rin kasi ang teacher namin sa English I, at ang iba niyang klase ay puro sophomores nah. haha, iisipin ng mas matanda sa'kin, "taena, first year lang ang magtuturo sa'min?!" second year, nagturo ako ng computer sa mga batchmates ko kasi best ako sa subject na yun [well!]; ayun, gera na naman, marami kasing nainggit heehee! third at fourth years ko pinalitan si Mrs. Grace Mercado for thesis writing. taena, pinakachallenging dahil hassle sa lahat!
syempre naranasan ko ring maging moderator at school director sa ibang events nga lang. pero ang saya magturo, hindi ko alam kung bakit. ahh ewan! pero iba nga talaga ang experience! gusto ko ulit magturo...
frustrated politician. iba talaga ang impluwensya ng magulang, lalo na kung silang dalawa'y nanggaling sa magkaibang bahagi ng mundo. ang tatay ko ay nasa military, UP Vanguard pa; nanay ko naman ay isang aktibista... ganun kami ka-big deal sa kasaysayan ng Pilipinas [wala lang]! para tuloy gusto kong magpolitiko, dahil ang dungis na ng ating sistema.
lahat naman tayo gusto ng pagbabago. ang problema lang sa'tin eh tiwala, patuloy na panunutsada at pagsuspetsa. or kahit hindi na'ko maging politiko, at least a public figure na makakapagsalita ako para sa mga tao.
rebolusyon kung gera, rally kung nararapat at tama ang prinsipyong ipinaglalaban. mataas talaga ako mangarap... ayoko tutunganga lang sa isang tabi at maghintay ng mirakulong sasagip sa Pilipinas. madalas kong sabihin, "hay, hindi na talaga uunlad ang Pilipinas sa pinaggagawa ninyo." pero parang totoo naman.
BLOGSPOT: Love Reattempts
LIVEJOURNAL: Da Vinci Kodigo
TABULAS: Bangungot