mULing pAgbAngOn ni _kErwin_
masyadong marami na ang aking napagdaanan. hindi naging biro ang mga sandaling nagbago sa buhay ko. napapagod na'ko, pero wala akong balak sumuko.
unti-unti kong binubuo muli ang sarili ko; mula sa pagwasak ng mga pinaniniwalaan kong mahahalaga sa buhay ko. naligaw ko sa isang daang wala namang patutunguhan. ang akala ko'y nagapi na rin ako sa wakas mula sa isang pagkatagal-tagal na laban.
napatigil ako, napaisip. masyado na akong umaasa sa tadhana, pilit na sumasabay sa alon ng dagat. kinakailangan ko nang dumepende muli sa sarili, matutong lumayo sa kanila at umasa... mahirap na'ng magkamali. ako ang dapat gumawa ng sarili kong paraan para makatakas sa kulungang ito.
muli akong babangon. hindi ako kailanman magagapi hangga't naririto pa ako. hindi ako mapapatumba ng kung sinuman. hamunin man ako ay wala hamak na tatalunin at ibabagsak para ako'y makatayo at umusad sa paroroon.
"We all get heavier as we get older because there's a lot in our heads. So I'm not FAT! I'm just really intelligent and my head couldn't hold anymore so it started filling up the rest of me! That's my story and I'm sticking to it!" - Garfield