i was a frustrated singer, debater, and actor. i longed on becoming an architect, engineer, teacher and politician...
and now...
frustrated journalist. elementary pa lang ako, ito na ang inakala kong magiging daan patungo sa aking kinabukasan. nakahiligan ko ang magsulat; sa mga formal theme ako nagpapakitang gilas at sa ilan na ring mga essay writing competitions. this is where i really feel belonged.
nakilala ko rin ang school newspaper, dahil noon ay loyal Boy Scout ako. at nung grade6 na'ko, pinasabak kami sa press conference; english news writing ang inihain sa'kin. siyam kami nung Caloocan division, 2nd placer ako; apat kami nung NCR division, at first place ako! pero nung nationals na, mag-isa na lang ako (dahil talo ang iba...). ang masama pa doon, ako lang ang nag-iisang elementary winner ng Caloocan na umabot sa nationals, ang iba kasing taga-NCR ay sa ibang lungsod naman. top5 (per category) ng NCR ang kasali sa nationals, against the other regions ng buong Pilipinas. so more than 70 ang kalaban ko para sa news writing pa lang... at talo ako!
pero hindi iyon ang pumigil sa akin sa pag-abot sa "karangyaan." pagtapak ko ng high school, publication club pa rin ako. at patuloy pa rin sa pagsali at pagpanalo sa mga essay writing sa school. at hanggang dun na lang, dahil napunta ako sa student council namin sa sumunod na tatlong taon ko sa high school.
haha, ansaya talaga. parang tinadhana ang pagtigil ko sa panunulat. pero pagdating sa college, ganun pa rin, nagsusulat ako. nagba-blog ako't tumutulong rin sa write-ups sa org ko. ayun, blogs ang kinahinatnan ko.
frustrated computer hacker. wala siguro ako sa katinuan ng pangarapin ko ito. siguro sa mga napanood ko sa telebisyon tungkol sa mga hacker na sumisikat at yumayaman dahil napapasok nila ang mga restricted areas ng mga naghahariang kumpanya pati na rin ang gobyerno. masarap siguro ang pakiramdam na alam mo ang mga sikretong tinatago ng mga taong nasa itaas mula sa publiko. in short, para na rin akong nakakuha ng sex video ng isang sikat na artista.
siguro, ang pagiging programmer na ang mas papaboran ko kesa maging hacker. mahilig kasi akong mag-eksperimento sa mga codes namin nung high school days. at ako lagi ang nangunguna sa klase dahil sa kaadikan ko. umiiral ang pagiging OC ko dahil hindi ako matahimik sa isang 'code error' na magawa ko; kaya sa'kin din nagpapahanap ng mali ang mga kaklase ko, saka nila pinapacorrect sa'kin.
lumalaki lang ulo ko nang ipakita ng teacher namin ang mga gawa ko sa klase (at sa ibang klase na rin at sa mga sumunod na batches). sample work daw na kailangang "magaya" ng lahat. malinis ang pagkagawa, at hindi "manipulated" ang paraan ng pandaraya para mapatakbo ang programme.
pero lately lang, naging hacker ako dahil nasabihan ako ng mga password na ipinagbabawal. ayun, pasalamat sila'y madali akong makalimot. kundi, pag nagalit ako sa kanila, baka malaman na lang nila na "corrupted" ang e-mail at ibang files nila... haha, ang paghihiganti nga naman. masarap idaan online.
frustrated mathematician. galit ako sa science subject. kahit anung bait (o sama) pa ng teacher, hindi ko talaga magugustuhan ang science. alam kong weakness ko iyon, at wala silang magagawa dun.
nung grade school ako, wala lang ang math sa'kin. nothing special. akala ko normal lang ang makakuha ng one mistake sa exam, partida ang walang inaral (at dahil nasa cream class). ni kahit anong contest ay hindi ko pinapansin.
high school na't napansin ko rin na magalin din pala ako sa math. sa batch, nasa top3 highest scorer ako; kaya ko nakilala ang MTAP. at dahil doon, laging may special advance classes ako (at ang iba) tuwing sabado sa ibang school. nakakainis nga lang dahil mahaba ang byahe't kailangan naka-uniform pa kami. haha...
ang pinakamalayo ko lang na narating sa MTAP ay nung third year nakalusot kami sa NCR division na kalaban mo magagaling na mathematicians ng buong NCR. kahit papano, 6th place ang napadpad, pero hindi qualified ang score para sa nationals.
pagkatapos nun, wala na. pero dahil dun, nakapagtutor ako ng math subjects sa lowerclass at sa ilang batchmates na rin. pero hindi ko alam kung paano ko naituturo iyon, gayong komplikado ang math. pero nakukumbinse naman sila sa'kin.
minsan naiinis ako sa isang paksa sa math. pero pag tapos na, gusto ko na siya! parang calculus, nang tumagal, nagustuhan ko!
frustrated nerd. maingay akong bata. mahilig maglaro habang recess. pero nung nalaman ko lang na geek pala ako hanggang third year high school.
hindi ako sumasama sa mga outing ng mga kaklase ko, hindi ako namamasyal. dumederetso ako pauwi, manood ng cartoon, kumain, mag-aral at matulog. araw-araw yun ang naging buhay ko. hindi ko kinahiligan ang makipag-usap sa telepono, at hindi pa ako nangangapa para magkacellphone noon. static lang ang buhay ko.
ayoko ng makulay, madalas sa mga programs, shades of black or blue lang lagi. dahilan ko ang maging organisado't pormal. maayos ang gamit ko: minsa'y alphabetical o nakahelera by height. hindi pa ako masyadong active sa extra-/curricular activities, maliban na lang kung opisyal.
walang problema sa academics, kinatakutan rin ako. kilabot ako ng english, music, math at syempre computer. para bang nakaprogram ang utak ko para lang dun...
at ang ultimate nerd moment ko? ang fashion sense ko! classic... polo (may white undershirt) at pantalon. ganun lagi. rarely ako magshorts, magsneakers, o magsandals. feel ko malinis at disente ako tignan pag ganun ako magdamit. tsaka nung mga panahong yon, hindi ko inisip na nerd ako... hanggang sa mapansin ako ng ibang tao.