Rico Yan-bangungot. yun ang description ko sa nangyari sa'kin nung gabi ng September 5, Tuesday. hindi ko narealize na nangyayari sa'kin yun hanggang sa kinwento ko na sa iba.
what's worse, dalawang magkasunod na beses nangyari sa'kin at that same night.
here's the detailed version...
tapos na ang CMLI Grade School Convention. lumuwas na kami from Baguio by 4pm. kumain kami sa Max's (Luisita Branch) by 8pm. nakarating kami sa Maynila na malakas ang ulan by 10:30pm.
todo talaga ang baha kahit nagtaxi pa'ko, lulubog talaga't tataas ang metro mo dahil sa sobrang hirap bumiyahe. wala pa'kong payong nun... harhar.
pag-uwi ko, nagawa ko namang iligpit ang stuffs ko, magpahinga, tapusin ang Sudoku book, manood ng kaunting palabas, saka maghanda para matulog. hindi iyon yung tipong pagdating sa kama'y bagsak kagad at tulog na'ko. in other words, typical stressing night.
naalimpungatan ako sa isang oras na hindi ko malaman. doon ko napansin na hindi ako makagalaw, manhid ako. i was lying on my back, my arms folded, and one leg was raised. pero hindi ko talagang magawang gumalaw. i started hearing more than just rain and the fan, mas nakakabingi. nakakarinig pa'ko ng ungol na tumatawag sa'kin. nagpanic lang ako dahil parang paralyzed ako.
napansin kong may tao (o anino) sa harapan ko. sinubukan kong tawagin ang pansin, wala. hindi ko mabuka ang bibig ko, walang lumalabas na boses. naisip ko rin dun na kung may tao man talaga, napansin na siguro na hirap na hirap na'ko.
maski mata ko hindi ko mabuksan, pero ramdam kong open siya. ang naisip ko lang at that time was to sway my whole body from left to right hanggang sa makawala ako from numbness.
success. sa wakas. at hindi ko naman siyang ginawang isyu. inakala kong may mali lang sa posisyon ko sa pagtulog kaya nagshift ako ng pwesto at natuloy ulit; this time, i was lying on my front.
after some time, nangyari na naman. hindi ko alam kung anung oras yun pero nagising (or naalimpungatan?) na naman ako. hindi ko na naman maigalaw ang mga paa't kamay ko. inakala ko na namang mali ang posisyon ko kaya nagmamanhid ako.
nabingi na naman ako sa mga naririnig ko. hindi lang ulan at tunog ng fan. may tumatawag na sa'kin, a dark and creepy voice. tapos napakahabang ungol. it came to the freaking point nang maramdaman kong may humawak sa binti ko't hinahatak na'ko.
kinabahan na'ko, hindi ko alam ang gagawin ko. umiyak hindi ko magawa, humingi man ng tulong wala akong kwenta. i was helpless, may kumukuha na sa'kin. lumaban man ako, walang silbi.
katapusan ko na sana. mabuti't naalala ko ang mga meditation lessons ko. pinilit kong kalmahin ang sarili ko't pag-iisip, and after a long time, i was released from paralysis.
nawala yung humahawak sa binti ko, tumahimik yung umuungol, bumalik sa tama yung pandinig ko. pero kinabahan na'kong matulog ulet... baka mangyari na naman.
gusto kong umiyak nung mga oras na yun. may mga nilalang na gusto na akong kunin sa mundong ito. at dalawang beses pa sa isang gabi nila ginawa iyon. kung kailan parang ang dami ko pang dapat ayusin sa pamumuhay ko, gusto pa nilang iklian ng todo.
aalis na nga ako't lalayo, uunahan pa ang buhay ko. hindi na tuloy ako komportableng matulog. kahit nung kagabi, bukas ang ilaw ko.
ngayon, alam ko na ang pakiramdam ng kinukuha ka na ni Lord. ang kakaiba lang, walang "light at the end of the path."
LIVEJOURNAL: Libby, What is Love?