ninEtEEn And yOUngEr, pLEAsE
dati, hindi magsink-in sa'kin na tapos na ang term ko. na hindi na ako ang "panginoon" ng mga nasasakupan at nasasaklawan, pero hindi naman nagtagal ang proseso. ngayong 19 na'ko, ang laman ng isip ko ay, "hindi na'ko 18. nag-17 na pala ako. ambilis ko namang nag-16!"
ganun.
ayaw kong tumanda. kaya minsa'y ginagawan ko ng paraan na magmukhang bata sa gupit, umasta na parang bata at mag-isip-bata. masaya kasi eh.
kaya hanggang ngayon, hindi ko pa rin tinatantan ang mga kartuns. natawa na lang ako nang hiritan ako ng isang kaibigan, "anubayan, pati cartoons ina-analyze mo!" sori hah, damang-dama ko eh. kahit korni, nahahanapan ko ng parang para tawanan. nagtatampo kapag may napalampas na episode.
tigil muna ako sa online games. wag muna DOTA, 02Jam, RF Online, Ragnarok, Generals at iba pa. sa mga no-brainers game muna ako. kahit arcade lang dating nya, astig pa rin ang mga effects! Zuma, Diner Dash, Typer Shark, Chuzzle... hay... idagdag mo na rin dyan ang classic SNES! lalo na yung mga role-playing games, magaganda na pala noon pa ang mga storylines!
pag nangungulit o naglalambing, asal-bata ako. ewan ko kung baket.
kung ipagkwento mo ako, tatawa muna ako sa mga jokes bago sabihin. minsan lalagyan ko pa ng epeks pag action. maiisip mo tuloy character actor ako, career mode. at least, mas buhay ang kwento... haha! damang-dama mo na ako ang nagsasalita habang binabasa mo 'to.
weird nga lang kasi kaya ko namang makipag-usap ng seryosohan, mga bagay na parang ayaw pakinggan ng mga taong walang pakialam sa mundo. kung panggudtaym naman, andyan din ako, ang tagatawa ng maraming klaseng halakhak (no permanent tawa kasi ako, hwaha). baka, well-conversed lang talaga ako. multitalented pa (sabay pamewang, tingala sa taas at humalakhak)!
maraming kailangang isipin. maraming problemang dapat harapin. siguro, ito ang pagkakaintindi ko sa "tawanan na lang ang problema." dahil hangga't kayang iwasan, gagawin naman natin hindi ba?
hay, nineteen na'ko. siguro tumatanda na nga talaga ako. think mature, think!
...ah ewan! hahaha. tawa na lang tayo.
"As one grow older, one becomes wise and more foolish."
- François De La Rochefoucauld