ito lang ata ang magiging entry ko in relation to the season of Christmas. hay...
ang bilis, magpapasko na. hindi ko man lang naramdaman na papalapit na ito. at sigurado ako na hindi ako nag-iisa sa pagmumuning ito.
dahil ba sa dami ng problema sa bansa (mapapolotikal man, mapakalikasan... madami!) at sa mga personal na alanganin kaya mailap na ang Pasko?
bakit naman ganun? nakakdismaya tuloy. huwag na kayong magtanong kung bakit, basta yun ang naramdaman ko. nakakapanghinayang...
anyway, pangunahin kong dahilan sa pagtitik ko dito ay para mangarap ng ilang mga bagay. in short, Christmas wishlist. mga praktikal na bagay naman na kahit sino ay may kakayanang ibigay ito (kung gugustuhin nila). haha, kahit papano, mapapangiti ako nito sa kabila ng mga problemang pabigat sa akin...
[×] Globe prepaid card. hindi ko na matandaan kung kailan ako huling gumamit ng card para magload. hindi na umaabot ng php300 ang load ko dahil sa kakaasa sa autolad max. haha, manlalaki mata ko siguro kung may magbigay sa'kin nito.
[×] magparehistro. sana naman hindi ko malimutan, o kaya may makasabay man lang sa pagproseso nito. my mom keeps pushing me to claim my right to vote. oo nga naman.
[×] bag. clutch o hand bag? anuman ang tawag dun, basta maliit. tatlo lang ang bag kong maliit, isang tastas na blue, isang grass green at ang walang kamatayan kong brown. "pinakabata" sa kanila yung green, kaya mas madalas gamitin. kaya nga lang, mahirap ipares sa mga damit. ibang kulay naman... yung neutral. hindi kasi ako naglalagay sa bulsa, wallet man o panyo. ayaw ko lang na may bukol ang pantalon (o shorts) ko. mas willing ako maghawak ng bag.
[×] anklets. madami, makulay, masaya.
[×] pagupit. boring na ang buhok ko, old school wave na naman, haha. ayun.
[×] beret. anuman ang haba at istilo ng buhok ko, bagay at preskong isuot. masayang mangolekta ng baseball caps, pero ang hirap ayusin ulit ang buhok. nga pala, kung pwede, huwag knitted.
[×] geek glasses. walang grado dapat. pamporma lang, actually. para maipagmalaki ko naman ang pagiging nerd, computer jock at OC extremist ko. para masaya na ako!
[×] Bo stick. wooden staff siya used in martial arts. siguro, ito na rin ang magiging transition ko from arnis to wushu. yun lang naman ata ang hinihintay ko, ang physical sign!
[×] pera. sige na, aginaldo! last resort na yan.
at ito naman ang mga hiling ko na pwede nating sabihin na, "hanggang pangarap na lang talaga." kahit magbuwis ng buhay ay hindi sapat. kung posible, ito yung mga late in delivery kung dumating:
[×] best friend. uhm, please?
[×] Charter Change? pwede naman eh, basta papalitan din ang kasulukuyang pamunuan (huwag silang magfeeling na sila pa rin ang masusunod). boboto ang taumbayan kung sinu-sino ang karapat-dapat humawak sa mabigat na responsibilidad na yan. suggestion lang ito, hah! shet naman.
[×] get even with the heartless. classified ito.
[×] empathy. superpower kung saan mararamdaman ko ang nararamdaman (o iniisip) ng iba. ang problema nga lang, nakakakita na'ko ng multo noon pa. hindi kaya maparanoid ako kung makuha ko itong psychic ability?
[×] powers of projection, mind control, stop time. mga iba pang options, haha. pwede ba?
[×] world peace. okay, luhod na tayo't magdasal na.
tama na nga. sasakit lang ulo niyo.